Pres. Marcos, binalaan ni Sen. Imee vs advisers sa 2025 budget

By Jan Escosio December 16, 2024 - 08:34 PM

Pres. Marcos, binalaan ni Sen. Imee vs advisers sa 2025 national budget
Pinag-iingat ni Sen. Imee Marcos ang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ukol sa mga nagbibigay payo ukol sa pondo ng gobyerno. (Inquirer.net file photo)

Binalikan ni Senador Imee Marcos ang mga ipinangako ng kanyang nakababatang kapatid na si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo.

Ginawa ito ng senadora matapos ang pagtapyas ng pondo ng ilang ahensiya ng gobyerno para sa susunod na taon.

“Noong ikaw ay nag-SONA, nagsabi ka ng mga proyektong dapat unahin. Ngayon, sinusuway ka ng ilang taong akala mong makabubuti para sayo at sa bayan,” mensahe ng senadora sa pangulo.

Umapila rin ang senadora sa kapatid na tutukan ang isyu sa pambansang pondo.

Pinaalahanan nito ang kapatid na labag sa batas ang pakikialam ng ilang mambabatas sa mga kagawaran at iba pang ahensiya ng gobyerno.

“Ayaw kitang mapahamak, ayaw kong mabigo ang pamamahala mo. Mag-ingat tayo sa mga pinagkakatiwalaan at pakinggan ang boses ng taumbayan para sa kapakanan ng mas nakararami at nangangailangan,” ang dagdag mensahe ng senadora sa pangulo.

Iginiit din nito na hindi siya pumirma sa bicameral report ukol sa 2025 national budget sa katuwiran na nakukulangan siya sa iprinisintang mga datos.

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos, Ferdinand Marcos Jr., Imee Marcos

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.