No price hike sa Noche Buena goods pinatitiyak ni Pimentel sa DTI

PHOTO: Noche Buena goods FOR STORY: No price hike sa Noche Buena goods pinatitiyak ni Pimentel sa DTI

METRO MANILA, Philippines — Pinagbilinan ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa Department of Trade and Industry (DTI) na tiyakin na walang magiging pagsasamantala sa presyo ng mga pagkaing karaniwang inihahaing ngayon Kapaskuhan.

Idiniin ni Pimentel ba hindi dapat abusuhin ng mga negosyante ang panahon para taasan ang presyo ng ilang produkto gaya ng spaghetti, macaroni, fruit cocktail, all-purpose cream, keso, at iba pang karaniwang handa tuwing Noche Buena at Media Noche.

Sabi pa niya na ang Kapaskuhan ay panahon ng pagmamahalan at pagbibigayan kayat dapat siguruhin ng DTI na hindi magiging panahon ng pagsasamantala sa mga konsyumer.

BASAHIN: Presyo ng baboy, manok maaaring tumaas sa Pasko – DA

Dapat aniya maging mahigpit ang kagawaran sa kanilang pagbabantay sa presyo ng mga panindan at agad gumawa ng aksiyon sa mga kompaniya na nagmamanipula ng presyo ng kanilang mga produkto.

Paalala na lang din ng senador sa mga negosyante na sumunod sa suggested retaile prices (SRPs) na itinakda ng DTI at hiniyakat naman niya ang publiko na agad isumbong ang mga mapagsamantalang negosyante.

Read more...