Agarang ipatupad ang Expanded Centenarian Law – Sen. Bong Revilla
METRO MANILA, Philippines — Pinaalahanan ni Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr. ang National Commission of Senior Citizens (NCSC) na sa pagpasok ng bagong taon ay dapat ikasa ang Expanded Centenarian Law (Republic Act No. 11962).
Kasabay nito ang kanyang babala sa NCSC na papanagutin kapag nabigo ang agarang pagpapatupad ng bagong batas.
Sinabi ng senador na noon pang nakaraang Marso naipasa ang batas kayat halos isang taon na itong hinihintay ng mga lolo at lola.
BASAHIN: Senior citizens’ cash gifts isasama na sa 2025 national budget
“Huwag magkakamali ang NCSC na hindi ito agarang ipatupad. Hindi naman siguro bibiguin ang ating mga lolo at lola na inabangan na since last March,” sabi ng senador.
Nakasaad sa batas ang pagbibigay ng P10,000 sa mga lolo at lola na aabot sa 80, 85, 90 at 95 ang edad.
Ang aabot naman sa edad na 100 ay bibigyan ng P100,000.
Idniin ni Revilla na ang pondo para sa cash gifts sa humigit kumulang 200,000 senior citizens ay nakasama na sa 2025 General Appropriations Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.