NoKor, nagbanta ng “physical action” vs U.S.

EPA AFP Photo
EPA AFP Photo

Nagbabala ang North Korea na maglulunsad ito ng “physical action” laban sa Estados Unidos.

Ito ay bilang pangontra umano sa anti-missile system na planong ideploy ng U.S. bilang tulong sa South Korea.

Noong Biyernes, inanunsyo ng Seoul at ng Washington na magtatalaga sila ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD) system sa South Korea para labanan ang banta mula sa North Korea.

Hindi pa naman binabanggit ng U.S. at South Korea kung saan eksatong ilalagay ang depensa pero nasa final stage na umano sila ng pagtukoy ng lugar.

Ayon sa statement ng NoKor, sa sandaling matukoy nila ang eksaktong lokasyon ng defense system agad silang maglulunsad ng physical counter-action.

Dagdag pa sa pahayag, ang military ng North Korea ay maglulunsad umano ng mas marami at mas madalas na “merciless” at “powerful” na pag-atake.

 

 

Read more...