Sumukong pushers at users sa Southern part ng Metro Manila, mahigit 3,000 na

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Umakyat na sa mahigit tatlong libong indibidwal ang sumukong mga drug pusher at user sa mga lugar na nasasakupan ng Southern Police District (SPD) mulaJuly 1 hanggang 10, 2016.

Ayon kay Supt. Jenny Tecson, tagapagsalita ng SPD, sa nasabing bilang pinakamaraming sumukong pusher ay mula sa Pasay City na may 89 habang 826 naman ang sumukong mga user.

Pumangalawa sa listahan ang Muntinlupa City na may sumukong 87 pushers at 721 na users.

Sa Makati City, mayroong 72 pushers at 118 users na ang sumuko.

Habang sa Las Piñas City, mayroong 60 pushers at 386 na users ang sumuko na.

Nasa 28 pushers at 468 na users naman ang sumuko sa Taguig City habang 4 na drug pushers at 68 na users ang sumuko sa Parañaque City.

Sa bayan ng Pateros, 21 pushers at 44 na users ang sumuko.

Inaasahan naman ng SPD na mas marami pa ang susuko sa pagpapatuloy ng kanilang isinasagawang “Oplan Tukhang”.

Sa kabuuan, umabot na sa 361 na users at 2,642 na pushers ang sumuko sa nasabing mga lugar.

 

 

Read more...