Ayon kay Asst. Sec. Epimaco Densing, pinuno ng plans and programs ng DILG, tatawagin itong “Alsa Masa” na walang armas at bubuuin ng mga volunteers.
Ani Densing, sa sandaling mabuo na nila ang structure at guidelines sa pagbuo ng volunteers, agad nila itong ipadadala sa 42 libong barangay para tuluyan itong maiayos.
Nilinaw naman ni Densing na ang nasabing volunteer group ay hindi sasailalim sa pangangasiwa ng barangay dahil malaki ang posibilidad na magamit nila ito sa pulitika.
Ani Densing, dapat ang mga opisyal sana ng barangay ang unang dapat na makaalam at makatugon sa mga problema hinggil sa droga, sugal, krimen at iba pa pero ang malungkot umano ay hindi ito natutugunan kung kaya lumalala ang problema.