Ayon kay Tiangco, ang naturang halaga ay popondohan sa ilalim ng 2017 proposed national budget.
Mas mataas aniya ito ng sampung milyong piso, kumpara sa P70 million na alokasyon para sa bawat district Congressmen noon.
Pero iginiit ni Tiangco na hindi ito nangangahulugan na nanumbalik na ang Pork Barrel system sa kongreso.
Ani Tiangco, sa katunayan ay pinaiiral lamang ng mga kongresista ang transparent line item budgeting at maituturing din aniya itong ‘exercise’ ng kanilang power of the purse.
Nauna nang sinabi ni incoming House Speaker Pantaleon Alvarez na maaaring magsumite ang mga kongresista ng listahan ng hard at soft projects, subalit huwag daw isipin o tawagin itong Pork Barrel.
Noong Aquino administration, idineklara ng Korte Suprema ang Pork Barrel bilang unconstitutional.