Inanunsiyo ni Education Secretary Sonny Angara na simula sa Biyernes, Disyembre 20, matatanggap na ng mga guro at iba pang kawani ng kagawaran ang kanilang P20,000 service recognition incentive (SRI).
Kasabay nito, pinuri ni Angara si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pagbibigay ng SRI sa mga kawani ng gobyerno at pagmamalasakit sa mga guro.
Pinasalamatan din ng kalihim ang Department of Budget and Management sa mabilis na pag-aksiyon sa direktiba ng punong ehekutibo alinsunod sa Executive Order No. 27.
“It is a testament to how much we value the dedication and sacrifices of our education front-liners, especially as they continue to ensure learning excellence amidst all challenges,” sabi pa ni Angara.
MOST READ
LATEST STORIES