METRO MANILA, Philippines — Inaprubahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagbibigay ng P20,000 one-time service recognition incentive (SRI) sa mga kawani ng gobyerno.
Base sa Administrative Order No. 72, magsisimula sa ika-15 ng Disyembre ang pagbibigay ng SRI.
Ibibigay ito sa lahat ng mga kawani, — regular, contractual, at casuals — ng mga ahensiya ng gobyerno, kabilang ang mga nasa government-owned or -controlled corporations (GOCCs) at state colleges and universities (SUCs).
BASAHIN: Contract workers gawing regular na – Budget chief
Kasama din ang mga pulis, sundalo, bumbero, jail officers, corrections officers, at Coast Guard personnel.
Nilinaw din na ang mga tatanggap ay dapat kawani hanggang noong nakaraang ika-30 ng Nobyembre.