40,000 pa ang ililikas dahil sa pagsabog ng Mt. Kanlaon

PHOTO: Kanlaon eruption FOR STORY: 40,000 pa ang ililikas dahil sa pagsabog ng Mt. Kanlaon
Makikita sa larawan na ito, na kuha ni Dollet Demaflies, ang Kanlaon Volcano na nagbubuga ng abo sa pagsabog nito. Ang kuha na ito ay mulasa La Castellana sa Negros Occidental noong ika-3 ng June 2024. (Larawan mula kay Dollet Demaflies na nilathalà ng Agence France-Presse)

METRO MANILA, Philippines — Nailikas na ang 45,000 na mga residente sa loob ng six-kilometer danger zone ng nag-aalburutong Mount Kanlaon sa Negros Oriental at halos 40,000 pa ang kailangan ang ilikas.

Kasabay ito nang pagtitiyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na paiigtingin ng husto ng gobyerno ang mga ginagawang pagtugon sa mga lumikas na residente.

Sinabi din niya na magiging mabilis din ang gagawing pagtugon sa mga pinsala na idudulot ng pag-aalburuto ng bulkan.

Sa ngayon aniya ay nakatuon ang atensiyon ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa pagbibigay tulong sa mga apektadong residente sa pamamagitan ng koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan.

BASAHIN: Curfew, liquor ban sa Canlaon City dahil sa alburoto ng Kanlaon

Tinitiyak aniya ng Department of Social Welfare and Developmemt (DSWD) na may sapat na food packs, malinis na tubig, hygiene kits, at iba pang pangangailangan para sa mga inilikas na mamamayan.

Inilagay na rin Marcos sa “high alert” ang mga sundalo, pulis, at bumbero na nakatalaga sa Negros Island Region.

Ang Department of Health ay may mga ipapadala ng  karagdagang mga gamot at suplay pangkalusugan mula sa Metro Manila.

Inatasan na rin ni Marcos ang Department of Budget and Management na maglabas ng karagdagang pondo para ipangtulong sa mga biktima.

 

Read more...