Senator Tolentino humingi ng suporta para sa electric cooperatives

PHOTO: Francis Tolentino STORY: Tolentino humingi ng suporta para sa electric coops
Sen. Francis Tolentino (File photo from the Senate Public Relations and Information Bureau)

METRO MANILA, Philippines — Makatuwiran na mabuhusan ng suporta ng gobyerno ang mga kooperatiba ng kuryente, ayon kay Sen. Francis  Tolentino.

Sa kanyang talumpati sa pagtitipon ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association Inc., noong ika-11 ng Disyembre.

Hindi aniya matatawaran ang paghahatid ng kuryente ng mga kooperatiba sa mga kanayunan.

BASAHIN: Ospital at palengke hatid ni Sen. Francis Tolentino sa Cavite

“Ang pagkakaroon ng access sa kuryente ay isang batayang karapatan at isa sa mga haligi sa paglago ng ekonomiya,” sabi ng senador.

Dinagdag pa niya: “Sa ating pagsisikap na iangat ang antas ng pamumuhay sa kanayunan ay may natatanging papel ang electric cooperatives. Naghahatid sila ng kuryente  lalo na sa mga liblib na lugar.”

Read more...