Meralco may taas-singil ngayon Disyembre

Meralco may taas-singil ngayon Disyembre
(INQUIRER.net file photo)

Sa pagtatapos ng taon, magpapatupad pa ang Meralco ng taas-singil sa kuryente.

Ayon sa power distributor, magpapatong sila ng P0.1048 per kilowatt hour (kWh) dahil sa mas mataas na generation charge.

Nangangahulugan na ang mga may konsumo na 200 kwh ay madadagdagan ang bayarin sa kuryente nang P21. P31 naman sa nakakonsumo ng 300 kwh, P42 sa nakagamit ng 400 kwh, at ang may konsumo na 500 kwh ay magbabayad ng karagdagang P52.

Katuwiran ng Meralco, tumaas nang P0.1839 per kWh dahil sa pagtaas ng singil mula sa Wholesale Electricity Spot Market at Power Supply Agreements.

Sa unang tatlong buwan ng bagong taon, inaasahan ang pagtaas naman sa trasmission  charge at ito ay pinayagan  ng Energy Regulatory Commission.

Inaasahan na ang magiging pagtaas ay P0.12/kWh mula Enero hanggang Marso.

Read more...