METRO MANILA, Philippines — Agad nagbigay tulong sina dating Manila Mayor Isko Moreno Domogoso at Chi Atienza sa mga biktima ng napakalaking sunog sa Isla Puting Bato sa Tondo, Manila noong nakaraang araw ng linggo.
Binigyan nina Domagoso at Atienza ng P5,000 ang bawat isa sa mga 2,014 pamilyang biktima ng sunog.
Labis-labis ang pasasalamat ng mga biktima kina Domagoso at Atienza, ang magka-tandem sa eleksiyon sa papalapit na eleksiyon sa susunod na taon.
BASAHIN: Tolentino namigay ayuda sa higit 7,000 na biktima ng Kristine sa Bicol
Nagsimula noong Linggo ng umaga ang sunog at mabilis na kumalat hanggang sa matupok ang 1,000 bahay.
Nagawa ng mga bumbero na makontrol ang pagkalat ng apoy pagsapit ng hapon sa tulong ng Philippjne Air Force (PAF).
Ang mga nawalan ng tirahan ay pansamantang nanunuluyan sa Delpan Evacuation Center.