NBI nag-iimbestiga sa ‘kill threat’ ni VP Duterte kay Marcos

PHOTO: NBI logo over shot of NBI HQ facade STORY: NBI nag-iimbestiga sa ‘kill threat’ ni VP Duterte kay Marcos
Composite image from INQUIRER.et file photos

METRO MANILA, Philippines — Posibleng ipatawag ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vice President Sara Duterte kaugnay sa isinagawang sariling imbestigasyon sa pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ipapatawag si Duterte para direktang matanong ito ukol sa kanyang utos na patayin sina Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez.

Ipinaliwanag ni Santiago na base sa NBI Reorganization and Modernization Act., may mandato ang opisina niya na imbestigahan ang anumang pagbabanta sa buhay at seguridad ng pangulo ng bansa.

BASAHIN: Palace security hinigpitan, bantay ni Marcos dinoble

Dinagdag pa niya na hiniling na nila sa Facebook na ipareserba ang video kung saan ginagawa ni Duterte ang pagbabanta.

Binanggit din nito na “100% authentic” ang video at hindi ito “artificial intelligence generated” o “deep fake.”

Tumanggi naman si Santiago na magbigay ng detalye kaugnay sa sinasabing inutusan ni Duterte na papatay sa mag-asawang Marcos at kay Romualdez.

Read more...