Presyo ng baboy, manok maaaring tumaas sa Pasko – DA

PHOTO: Francisco Tiu Laurel Jr. STORY: Presyo ng baboy, manok maaaring tumaas sa Pasko – DA
Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. — INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Hindi isinasantabi ng Department of Agriculture (DA) ang pagtaas ng presyo ng mga karne ng baboy at manok ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni Agriculture Secretary Francis Tiu-Laurel na kung madadagdagan ang presyo ng mga karne ng baboy at manok ay magiging maliit lamang.

Tiniyak niya na may sapat na suplay ng mga karne sa bansa sa kabila nang pagtaas sa pangangailangan sa mga ito tuwing Kapaskuhan.

BASAHIN: Stable food supply sa Pasko tiniyak ng DA

Ilang buwan nang pinagplanuhan ng kagawaran maging ng mga negosyante ang suplay ng mga karne sa pagtatapos ng taon.

Nakatulong naman sabi ng DA ang importasyon ng karne ng baboy para maging sapat ang suplay.

Samantala, sinabi ni Tiu-Laurel na hindi magtatakda ng price cap sa litson dahil maituturing itong luho.

Read more...