METRO MANILA, Philippines — Personal na nagpa-abot ng kanyang tulong si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa mga nasalanta ng nagdaang bagyong Pepito sa tatlong lalawigan sa Luzon.
Nakapaloob sa kanyang Bayanihan Relief ang mga pagkain, tubig, at iba pang pangunahing pangagailangan ng mga labis na naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Umaasa ang senador na lubos na makakatulong sa mga biktima ang kanyang munting tulong sa mga biktima sa Isabela, Quirino at Nueva Vizcaya.
BASAHIN: Bagyong Pepito lumakas, Signal No. 2 itinaas sa ilang lugar sa Visayas
Pinagbilinan ni Revilla ang mga biktima na mapapabilis ang kanilang pagbangon kung magtutulungan sa pangangailangan ng bawat isa.
“Sa kabila ng sinapit ninyo, nakakalugod na makita pa rin kayo ngayon araw sapagkat nakasiguro akong ligtas kayong lahat at okay ang mga kababayan ko. Basta tandaan niyo, hindi tayo dapat mawalan ng pag-asa,” sabi ng senador.