P500 buwanang ayuda sa mga mahihirap na Filipino edad 18 pataas isusulong ni Singson

Dumalaw si independent senatorial candidate Chavit Singson at anak na si Ako Ilocano Ako Party-list Rep. Richelle Singson sa Maynila sa paanyaya ni dating Manila Mayor Isko Moreno. (Jan Escosio photo)

Inanunsiyo ni independent senatorial candidate Luis “Chavit” Singson ang isusulong niyang P500 buwanang pensiyon para sa mga Filipino.

  Ayon kay Singson ang mabibigyan ng pensiyon ay mga mahihirap na Filipino simula edad 18 pataas.   Aniya isa ito sa kanyang magiging “priority bills” kapag nahalal na senador sa eleksyon sa susunod na taon.   Paliwanag ni Singson, ito ang ipapalit niya sa kasalukuyang Tulong sa Ating Disadvantaged / Displaced Workers (TUPAD) program ng Department of Labor and Employment (DOLE).   Dagdag niya sa TUPAD ay pinipili lamang ang nagiging benepisaryo at may mga pagkakataon din na bawas pa ang halaga na dapat na ibinibigay.   “Basta mahirap edad 18 pataas mabibigyan ng P500 kada buwan,” diin ni Singson.

Read more...