Pinirmahan na ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang panukalang pagpapatayo ng isang regional hospital sa Laguna. Bunga ito nang pagsusumikap ni Laguna 2nd district Rep. Ruth Hernandez na isinusulong ang pagkakaroon ng sariling regional hospital ang kanilang lalawigan. Base sa RA 12071 ang Level 3 General Hospital ay itatayo sa bayan ng Bay. Sinabi ni Hernandez na patunay lamang ito ng pagbibigay nila ni Gov. Ramil Hernandez ng “Serbisyong Tama” sa mga Lagunense. Paliwanag lamang din ng mambabatas ang itatayong regional hospital ay maikukumpara sa Philippine General Hospital sa usapin nang pagbibigay ng mga serbisyong medikal at pangkalusugan. Hindi na aniya kailangan pang bumiyahe ng malayo ang kanilang mga maysakit na kababayan. Paunang P150 milyon ang ilalaan, sabi pa ni Hernandez, para sa pagpapatayo ng naturang pagamutan.
Regional Hospital bill sa Laguna pinirmahan ni Pangulong Marcos Jr.
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...