Chiz inihirit kay PBBM ipapalit sa BTA officials na kasapi sa BARMM election

Hiniling ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magtalaga na ng mga kapalit ng 35 Bangsamoro Transition Authority (BTA) na naghain ng kandidatura  sa kauna-unahang parliamentary election sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Nabatid na 35 sa 40 opisyal ng BTA ang naghain ng certificate of candidacy (COC) sa Commission on Elections (Comelec) para sa halalan sa darating na Mayo.

Ipinaliwanag ni Escudero na maikukunsidera ng nagbitiw sa posisyon ang 35 opisyal nang gawing pormal ang kanilang kandidatura.

“Hindi puwede manatili ang sitwasyon na ang kandidatonay nakaupo at nakapuwesto dahil ang pangako natin ang mag magkaroon ng pantay at malinis na halalan. Fairness and avoidance of conflict of interest dicate nothing less,” sabi pa ni Escudero.

Una na ring sinabi ni Escudero na ang maituturing na paglabag sa 1987 Constitution ang ilan sa implementing rules and regulations ng Bangsamoro Electoral Code, kung saan nakasaad na maaring manatili sa puwesto ang mga opisyal kahit sila ay naghain na ng COC.

Kinuwestiyon din ni Escudero ang probisyon na ang matatalong kandidato ay hindi sakop ng “one year ban” sa appointment.

Naghain ng panukala sa Senado si Escudero para sa pagpapaliban ng BARMM elections alinsunod sa nais ng Malakanyang.

Read more...