Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jerry Acuzar sa suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program (4PH) sa kanilang lungsod.
Sinabi ni Zamora na katuparan ito ng kanyang pangarap na mabigyan ng maayos at disenteng bahay ang kanilang mga kalungsod nang hindi sila mapapalayo sa kanilang mga trabaho, gayundin ang pag-aaral ng mga estudyante.
“Karamihan po sa ating mga mamamayan ay umuupa lamang at walang sariling tahanan. Sa pamamagitan ng 4PH ay magkakaroon po sila ng tahanan na masasabing pag-aari nila,” sambit ni Zamora.
Paliwanag lamang ng alkalde na huhulugan ng mga benepisaryo ang bahay hanggang sa maging sarili na nila ito.
Sinabi pa niya dahil sa limitado lamang ang mga bakanteng lote sa lungsod, high rise public housing buildings ang kanilang ipapatayo sa pamamagitan ng naturang housing program.