Stable food supply sa Pasko tiniyak ng DA

PHOTO: Rice farmer in the field STORY: Stable food supply sa Pasko tiniyak ng DA
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Siniguro ng Department of Agriculture (DA) na may sapat ang suplay ng mga produktong agrikultural sa papalapit na Pasko.

Ayon kay Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa, ito naging posible dahil sa pag-aangkat ng mga kahalintulad na mga produkto.

“Walang shortage ng supply kasi nababalanse ng importation,” sabi ni de Mesa.

BASAHIN: Rice inflation tumaas, kontra sa pangako na bababa – Imee Marcos

Dinagdag pa ng opisyal na wala din dapat ipag-alala sa suplay ng mga gulay.

“Sobra ‘yung production natin sa highland vegetables. Yung lowland vegetables ang medyo may kaunting problema,” dagdag pa ng opisyal at aniya ito ay dahil sa pananalasa ng mga nagdaang bagyo.

Inamin naman ni de Mesa na may mga hamon sa usapin ng suplay ng karne ng baboy dahil sa African swine flu (ASF) ngunit may plano na ang kagawaran ukol dito.

Read more...