Dalawang batas pinagtibay maritime zones, sea lanes ng Pilipinas

PHOTO: Map showing West Philippine Sea STORY: Dalawang batas pinagtibay maritime zones, sea lanes ng Pilipinas
Mapa mulá sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Pinirmahan nitong Biyernes ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang dalawang batas na nagdedeklara sa maritime zones at nagtatakda ng sea lanes ng Pilipinas.

Sa Malacañang, sinabi ni Marcos na ang  Philippine Maritime Zones Act o ang Philippine Archipelagic Sea Lanes Act ay pagtupad ng pangako ng Pilipinas sa ibang bansa na paninindigan ang pagsunod sa mga pandaigdigang polisiya, partikular ang UN Conventions on the Law of the Sea (UNCLOS).

Malinaw na sa RA 12065 na ang territorial sea ng Pilipinas ay 12 nautical miles, 24 nautical miles naman ang contiguous zone, at 200 nautical miles ang exclusive economic zone (EEZ) at ang continental shelf.

BASAHIN: Arbitral ruling, WPS isinusulong isama sa history subjects 

Pagpapakita din aniya ito ng determinasyon na pangalagaan at protektahan ang soberenya, teritoryo at yamang-dagat ng Pilipinas.

Napakahalaga din aniya ng dalawang batas sa usapin ng pambansang seguridad ng bansa.

Read more...