Arbitral ruling, WPS isinusulong isama sa history subjects 

By Jan Escosio July 08, 2024 - 02:25 PM

PHOTO: Map showing West Philippine Sea STORY: Arbitral ruling, WPS isinusulong isama sa history subjects 
Mapa mulá sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Inirekomendá ni PBA Party-list Rep. Margarita Nograles sa Department of Education (DepEd) na maisama sa national history curriculum ang pag-angkin ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS), gayundin ang tagumpáy ng bansâ sa Permanent Court of Arbitration kontra China.

Umaasa si Nograles na magagawâ itó ni incoming Education Secretary Sonny Angara.

Layunin namán ng kanyáng panukalà na magkaroón ng mas malawak at malalim na pagka-unawà ang mga mag-aarál sa kahalagahán na mapaníndigan ang mga pandaigdigang batás.

BASAHIN: Ayusin pagtuturò ng kasaysayan, bilin ni Marcos kay Angara

BASAHIN: WPS Victory Day, studies center suportado ng Atin Ito Coalition

Gayundín, dagdág pa niyá, lubós na magkakaroón ng kaalamán ang mga mag-aaral ukol sa mga kaganapan sa Southeast Asia.

Dapat aniya din na lubás na maunawaan ng mga kabataan ang 2016 arbitral ruling dahil sa napakahalagá nito sa pagpapatibay ng pag-aangkín ng Pilipinas sa bahagì ng South China Sea na hanggáng ngayón ay inaagaw namán ng China.

TAGS: Margarita Nograles, Philippine history, West Philippine Sea, Margarita Nograles, Philippine history, West Philippine Sea

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.