Tolentino namigay ayuda sa higit 7,000 na biktima ng Kristine sa Bicol

PHOTO: Francis Tolentino in Naga City STORY: Tolentino namigay ng ayuda sa higit 7,000 biktima ng Kristine sa Bicol
Ang pamamahagi ng tulong ni Sen. Francis “Tol” Tolentino sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Naga City. —Photo mula sa opisina ni Tolentino

METRO MANILA, Philippines — Tinupad ni Senate Majority Leader Francis “Tol” Tolentino ang pangako na tutulong sa pagbangon ng mga labis na naapektuhan ng pananalasa ng bagyong Kristine.

Binisita ni Tolentino ang mga bayan ng Jovellar, Polangui, Libon sa Albay, gayundin sa mga bayan ng Buhi at Nabu sa Camarines Sur noong Nobyembre 2 at ng sumunod na araw ay nagtungo naman sa Naga City at Milaor sa Camarines Sur.

Naghatid tulong din ang opisina ni Tolentino sa mga biktima ng kalamidad sa mga bayan ng Talisay, Laurel, Agoncillo at Lemery sa lalawigan ng Batangas.

BASAHIN: Ospital at palengke hatid ni Sen. Francis Tolentino sa Cavite

Umabot sa 7,241 pamilya ang tumanggap ng relief packs mula kay Tolentino.

Sa kanyang mensaha sa mga evacuees, tiniyak ng senador na isusulong niya sa Senado ang paglilipat sa ligtas na lugar ng mga residente na patuloy na naninirahan sa “high-risk areas.”

Inulit din niya ang panawagan sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na magbigay o magpalabas ng mas detalyadong impormasyon ukol sa mga bagyo dulot ng climate change.

Diin niya dapat ay ipabatid sa mamamayan ang bigat o dami ng bubuhos na ulan sa kanilang lugar para sa kanilang kaligtasan.

Napakahalaga din aniya ito para mas lubos na makapaghanda ang gobyerno gayundin sa kanilang mga gagawing hakbang.

Read more...