PAOCC iimbestigahan ang pananampal ng spokesperson nito

By Jan Escosio November 05, 2024 - 11:30 AM

PHOTO: Winston John Romero Casio STORY: PAOCC susuriin ang pananampal ng spokesperson nito
Winston Casio, tagapagsalita ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (Larawan mula sa Facebook page niya)

METRO MANILA, Philippines — Titimbangin ng mga opisyal ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ngayong Martes ang mga pangyayari na humantong sa pananampal ng dalawang beses ni Director Winston Casio sa isang Filipino sa isinagawang operasyon sa Bagac, Bataan noong nakaraang ika-31 ng Oktubre.

Nabatid ng Radyo Inquirer na magpupulong ang bumubuo ng Board of Directors ng komisyon para talakayin ang insidente.

Samantala, inamin ni Casio na mali ang kanyang ginawang pananampal ng dalawang beses sa isang Filipino at aniya tatanggapin niya ang anumang hakbang na gagawin ng mga kapwa director ng komisyon.

BASAHIN: Libingan sa illegal POGO hub sa Pampanga nais hukayin ng PAOCC

Katuwiran na lamang niya na ang dirty finger at pagmumura ng lalaki ay malaking insulto hindi lamang sa PAOCC kundi maging sa Office of the President (OP).

Unang sinuspindi ni PAOCC chief Gilbert Cruz si Casio bilang tagapagsalita ng kanilang tanggapan at hiningi din ang paliwanag ng huli ukol sa insidente.

TAGS: Presidential Anti-Organized Crime Commission, Winston Casio, Presidential Anti-Organized Crime Commission, Winston Casio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.