Undas sa N. Luzon posibleng maulan, mahangin – PAGASA

PHOTO: Pagasa Weather Update card STORY: Undas sa N. Luzon posibleng maulan, mahangin - PAGASA
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang mga bibiyahe para gugunitain ang darating na Undas sa Northern Luzon na posibleng maulan at mahangin ika-29 ng Oktubre hanggang sa ika-1 ng Nobyembre dahil sa Typhoon Leon (international name Kong-rey).

Ayon sa abiso ng ahensiya nitong Martes, lumakas pa ang bagong bagyo at taglay nito ang lakas ng hangin na 95 kph oras malapit sa gitna at bugso na aabot sa 115 kph.

Kaninang 10:00 a.m. ang sentro ng bagyo ay nasa 735 km sa silangan ng Casiguran, Aurora at kumikilos sa bilis na 20 kph.

BASAHIN: Wet, windy Undas seen as Leon approaches

Partikular na pinag-iingat ng PAGASA ang mga bibiyahe sa pamamagitan ng mga sasakyang-pandagat.

Pinayuhan ang mga magtutungo sa Northern Luzon na bumiyahe bago sumapit ang araw ng Biyernes, ika-1 ng Nobyembre.

Posibleng lumakas ng husto ang bagyo sa paglapit nito sa Batanes sa Huwebes at maaring lumabas ng Philippine area of responsibility (PAR) sa araw ng Biyernes.

Read more...