METRO MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Sen. Francis “Tol” Tolentino ang groundbreaking ng kauna-unahang ospital sa bayan ng General Emilio Aguinaldo sa Cavite.
Bukod dito, pinangunahan din niya ang pagbubukas ng bagong palengke sa naturang bayan.
Nagsagawa din ng medical mission ang opisina ni Tolentino sa nunicipal covered court at daan-daan ang nakinabang sa libreng konsultasyon, mga gamot at bitamina.
BASAHIN: Tolentino sa DFA: Magpatulóng sa ICRC sa WPS resupply mission
Namahagi din ang senador ng mga libreng salamin sa mata at wheelchair sa mga senior citizen at may kapansanan.
Sinabi nito na ang lahat ay pagtupad lamang sa kanyang mga naipangako.
Kasama ni Tolentino sa mga aktibidades ang mga lokal na opisyal sa pangunguna ni Mayor Dennis Glean.