France, pasok na sa Rio Olympics, Canada laglag

 

Inquirer.net/Tristan Tamayo

Ang France na ang mabibigyan ng pagkakataong makapaglaro sa nalalapit na Rio Olympics matapos nitong talunin ang Canada sa FIBA Olympic Qualifying tournament kagabi.

Ipinakita ng 34-anyos na si  Tony Parker ng France na kaya pa niyang makipagsabayan sa iba pang manlalaro makaraang humataw sa puntos upang ungusan ang Canada sa score na 83-74.

Labintatlo sa kanyang kabuuang 26 na puntos na nagawa sa buong laro ang nakuha ni Parker na ilusot sa huling anim na minuto ng laban kaya’t naging umangat sa siyam ang lamang ng France.

Sa huling limang minuto, naipasok ni Parker ang isang pull-up jumper, dalawang three pointers, isang three-point play at dalawang free throws.

Si Parker ay four-time winner sa NBA habang kabilang pa ito sa San Antonio Spurs.

 

Read more...