#WALANGPASOK: Ilang lokal na pamahalaan, nag-anunsyo na ng suspensyon ng klase

walang pasokNag-anunsyo na ang ilang lokal na pamahalaan ng suspensyon ng mga klase bukas ng Lunes, (July 11).

Ayon kay Mayor Jay Khongjun, walang pasok ang lahat ng lebel sa pampubliko at pribadong paaralan sa Subic, Zambales.

Maging sa Iba, Zambales ay wala nang pasok ang mga estudyante sa public at private schools, all levels.

Ilang parte ng Zambales ay binaha dahil sa malakas na pag-ulan, dulot ng Hanging Habagat.

Suspendido na rin ang klase mula elementarya hanggang high school sa Alaminos City, Pangasinan.

Ayon kay Mayor Arthur Celeste, batay na rin sa forecast ng PAGASA na magtatagal ang pag-ulan hanggang Lunes, walang pasok sa lahat ng pampubliko at pribadong pre-school, elementary, high school institutions sa Alaminos City.

 

Read more...