Alice Guo ihahain ang COC para alkalde ng Bamban

PHOTO: Bamban Mayor Alice Guo STORY: Alice Guo ihahain ang COC para alkalde ng Bamban
Mayor Alice Guo of Bamban, Tarlac —Kuha ni Marianne Bermudez, Philippine Daily Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Sa susunod na linggo na maghahain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Alice Guo o Guo Hua Ping.

Kinumpirma nitong Biyernies ni Stephen David, abogado ni Guo, na tatakbo muli sa pagka-alkalde ang kanyang kliyente.

Sa kasalukuyan ay nakakulong sa Pasig City Jail dahil sa kasong qualified human trafficking at may kinahaharap na kasong katiwalian sa isang korte sa Valenzuela City.

BASAHIN: Fingerprints niná Alice Guo at Guo Hua Ping magkatulad – NBI

Paliwanag ni David hindi pa naman “final and executory” ang desisyon ng Office of the Ombudsman na nagbabawal na kay Guo na kumandidato sa eleksyon o humawag ng anumang posisyon sa gobyerno.

Sa pagdinig ng House quad committee, sinabi ni Guo na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung muling tatakbo sa pagka-alkalde ng Bamban, Tarlac sa susunod na taon.

Nagtungo sa Department of Justice si David bilang kinatawan ni Guo sa preliminary investigation sa kasong money laundering.

Read more...