Ex-VP Leni Robredo inanunsiyo mayoralty bid sa Naga City

PHOTO: Leni Robredo STORY: Ex-VP Leni Robredo inanunsiyo mayoralty bid sa Naga City
Dating Vice President Leni Robredo —File photo mula sa Facebook page niya

METRO MANILA, Philippines — Tatakbo sa pagka-alkalde ng Naga City sa 2025 midterm elections si dating Vice President Leni Robredo.

Sa kanyang Facebook post, inanunsiyo din ni Robredo ang bubuo ng kanyang Team Naga kabilang na si Camarines Sur. Rep. Gabby Bordado, na kanyang magiging vice mayoralty candidate.

Si Bordado ay nagsilbi ng vice mayor sa termino ng yumaong Interior Secretary Jesse Robredo.

BASAHIN: Leni Robredo, gagawaran ng honorary degree ng Ateneo

Tatakbo naman bilang konsehal nina Robredo at Bordado ang mga naka-upong konsehal ng lungsod at mga opisyal ng pamahalaang-lungsod.

“Ang aking mga kasama ngayon, lahat na-evaluate base sa tatlong kategorya: sa ethical standards, sa capacity at experience, sa governance,” sabi pa ni Robredo.

Sabi pa nito na nabuo ang Team Naga base sa mga isinagawa nilang konsultasyon sa ibat-ibang sektor sa kanilang lungsod.

Read more...