Senatorial bets Camille Villar, Abby Binay naghain na ng COC

PHOTO: Comelec office and logo STORY: Senatorial bets Camille Villar, Abby Binay naghain na ng COC

METRO MANILA, Philippines — Magkasunod na naghain ng kanilang certificate of candidacy (COC) sina senatorial aspirants House Deputy Speaker Camille Villar at Makati City Mayor Abby Binay sa Manila Hotel Tent City nitong Biyernes.

Bago inihain ang kanyang COC, pinuntahan muna ni Villar ang kanyang mga tagasuporta na nagtipon sa Quirino Grandstand.

Sinamahan siya ng kanyang bilyonaryong ama na sina dating Senate President Manny Villar at kuya na si Sen. Mark Villar.

BASAHIN: Sotto, Lacson susubukang makabalik sa Senado

Ikinunsidera ni Villar ang sarili na “millenial candidate” at aniya tiwala siya na makakapag-ambag siya sa Senado ng mga bagong perspektibo.

Sabi pa niya, nais niya na magkaroon ng trabaho ang mas maraming Filipino at magbigay ng sariling kabuhayan sa ating mga kababayan.

Samantala, naghain na rin ng COC si Binay, na katulad ni Villar ay kabilang sa senatorial candidates ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas, na suportado ni Pangulong Marcos Jr.

Read more...