Senators tiwala sa Comelec na aalisin ‘Alice Guo candidates’

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade STORY: Senators tiwala sa Comelec na aalisin ‘Alice Guo candidates’
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Kumpiyansa ang mga senador sa kakayahan ng Commission on Elections (Comelec) na mapigilan na ang mga tinatawag na “Alice Guo candidates” o ang mga kandidato na pineke ang mga detalye sa kanilang certificate of candidacy (COC).

Sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Miyerkules na nagpatupad na ng mga pagbabago ang Comelec para maiwasan na kumandidato sa mga halalan sa Pilipinas ang mga banyaga, gaya ni dating Bamban Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping na ipinapalagay na Chinese citizen.

“Kilatisin lahat ng qualifications ng mga kandidato. Tapos kahit makalusot meron pa naman mga remedyo na puwedeng gawin. There is need to be vigilant, but no need to panic,” ani ni Pimentel.

BASAHIN: Fingerprints niná Alice Guo at Guo Hua Ping magkatulad – NBI

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Francis Tolentino na dapat ay mas maging mapanuri ang Comelec sa COCs.

Dapat din aniya na maging mapagbantay ang intelligence community at tumulong na rin ang publiko sa pagbabantay.

Para naman kay Sen. Grace Poe, dapat ay samantalahin ng Comelec ang paghahain ng COC para maiwasan ang mga banyaga na makihalok sa halalan.

Sinabi din niya na dapat ay himayin din ng husto ng Comelec ang mga isinusumiteng dokumento ng mga nais maging kandidato.

Read more...