Sen. Nancy Binay vs bayaw sa Makati City top post

PHOTO: Nancy Binay STORY: Sen. Nancy Binay vs bayaw sa Makati City top post
Si Sen. Nancy Binay ay tatakbo bilang alkalde ng Makati. —File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Naghain na ng certificate of candidacy (COC) nitong Martes si Sen. Nancy Binay para sa pagka-alkalde ng lungsod ng Makati.

Si dating Makati City Rep. Monsour del Rosario ang kanyang kandidato sa pagka-bise alkalde. Tatakbo sila sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).

Inaasahan na makakaharap nina Binay at del Rosario sina Makati Reps. Luis Campos at Kid Peña.

BASAHIN: Nancy Binay 70% na posibilidad na tumakbong Makati mayor

Ayon kay Binay hindi natupad ang inaasahan niyang pag-uusap sana nila ng kanyang kapatid na si Mayor Abby Binay upang ma-plantsa ang kanilang mga planong pulitikal.

Asawa ni Mayor Binay, na tatakbo naman sa pagka-senador, si Campos.

Nitong Lunes ng gabi, inindorso ni dating Vice President Jejomar Binay ang kandidatura ng kanyang anak na senadora.

Samantala, hindi pa alam kung kailan maghahain ng kanilang COC sina Campos at Pena.

Read more...