METRO MANILA, Philippines — Nagbabala ang Philippine National Police (PNP) na mahaharap sa mga kasong kriminal ang mga tumutulong sa pagtatago ni dating presidential spokesman Harry Roque.
Sinabi ni PNP spokesperson Col. Jean Fajardo mistulang hinahamon ni Roque ang mga awtoridad sa inilabas niyang video para sa kanyang online programa.
Sa video, sinabi ni Roque na sadyang pinatagal niya ang pagpapalabas nito upang hindi siya matunton ng mga awtoridad.
BASAHIN: PNP tracker teams binuo para sa Harry Roque manhunt
Ayon kay Fajardo, abogado si Roque at hindi dapat ito nagpapahiwatig na kayang-kaya niyang pagtaguan ang mga awtoridad.
Hinahanap ng PNP-CIDG si Roque base sa arrest order ng House quad committee, na iniimbestigahan ang kampaniya kontra droga ng administrasyong Duterte at ang illegal Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa.