Huwag basta paniwalaan na espiya si Alice Guo – senators

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Hindi dapat agad-agad na paniniwalaan ang binanggit ni Chinese spy She Zhijiang na katulad niya si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping.

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, ngunit aniya hindi rin naman dapat balewalain ang sinabi ni She.

Sinabi pa ni Pimentel na dapat at maging maingat sa pag-aaral sa pahayag ni She, na kasalukuyang nakakulong sa Thailand, dahil maaring makaimpliwensiya ito sa isang nakakulong na testigo.

Ayon naman kay Senate President Francis “Chiz” Escudero masalimuot na usapang-legal ang ginawang pagbubunyag ni  She.

BASAHIN: Alice Guo nanindigan na ‘not guilty’ sa human trafficking case

BASAHIN: Senado, Alice Guo nagkasundong magsagawa ng executive session

Paliwanag niya na nakapaloob sa Constitution na may karapatan ang isang inaakusahan na hamunin o kuwestiyonin ang nang-aakusa sa kanya.

Ngunit komplikado ang sitwasyon dahil nasa magkahiwalay na bansa sina She at Guo.

Halos ito rin ang posisyon ni Senate Majority Leader Francis Tolentino at aniya dapat ay sundin ng Senado ang “rules of admissability” kaugnay sa mga pagbubunyag ni She.

Kailangan aniya na patunayan ito sa pamamagitan ng mga ebidensiya.

Sabi pa ni Tolentino walang hurisdiskyon ang Senado kay She dahil ito ay nasa Thailand at hindi din aniya alam kung ano ang mga basehan ng alegasyon nito laban kay Guo.

Ayon kay Tolentino, yung video ni She ay pwede ma-authenticate sa dalawang paraan:

dalhin si She sa Pilipinas mula sa Thailand

dalhin si She sa Philippine Embassy sa Bangkok, kung saan maaaring magsagawa ng pandinig ang Senado

“That’s how the Senate could gain jurisdiction, otherwise it’s just a video,” sabi ni Tolentino.

Read more...