Gobyerno handa sa idudulot ng Typhoon Julian – Marcos
METRO MANILA, Philippines — Tiniyak ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Lunes na nakahanda ang lahat ng mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno sa anumang idudulot ng Typhoon Julian.
Siniguro din ni Marcos na nakatutok gobyerno sa galaw ng bagyo at sa mga idinudulot nito sa mga apektadong lugar.
Aniya, ito ay para alam nila agad kung ano ang magiging pangangailangan sa mga masasalantang lugar bagamat maaring kailangan din na pababain ang tubig sa mga lulubog na lugar.
BASAHIN: La Niña maaring humatak ng mas maraming bagyo sa Q4 – DOST
Sinabi pa ni Marcos nakahanda ang lahat ng mga ospital at healthcare centers, maging ang ipamamahaging family food packs.
Nabanggit din niya na maging ang magsasaka at mangingisda ay kumilos na rin para mapangalagaan ang kanilang mga kabuhayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.