1,400 na pulis babantayan ang COC filing sa Metro Manila

PHOTO: Police officers in formation STORY: 1,400 na pulis babantayan ang COC filing sa Metro Manila
File photo mula sa Philippine National Police

METRO MANILA, Philippines — Magtatalaga ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 1,400 pulis para bantayan ang paghahain ng certificate of candidacy (COC) ng mga kakandidato sa 2025 midterm elections.

Magsisimula nitong Martes, ika- Oktubre 1, ang paghahain ng COC at magtatagal ito hanggang Martes, ika-8 ng Oktubre.

Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. magbabantay ang mga pulis sa paligid ng opisina ng Commission on Elections (Comelec) sa Maynila at sa mga lugar kung saan inaasahan magtitipon-tipon ang mga kandidato at kanilang mga tagasuporta.

BASAHIN: Comelec pabor sa online voting para sa Filipinos abroad sa 2025

Ito aniya ay upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa demokratikong proseso.

Inatasan din niya ang limang police district directors ng NCRPO na maghanda din ng mga tauhan para sa “crowd control” at pagsasa-ayos ng trapiko.

Read more...