Pagpasa ng performance ratings ng mga guro ipinagpaliban

By Jan Escosio July 24, 2024 - 07:21 AM

PHOTO: Sonny Angara
Sen. Sonny Angara (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Pinalawig ni Education Secretary Sonny Angara ang pagsusumite ng 2023 -2024 performance ratings ng mga guro kasabay ng hindi na muna pagppatupad ng Results-Based Performance Management System (RPMS) nila at iba pang kawani ng kagawaran sa mga pampublikong paaralan.

Sa inilabas na memorandum ni Angara, ang pagsusumite ng RPMS sa darating na ika-15 ng Setyembre ay para sa review at evaluation. Samantala, sa ika-30 ng Setyembre naman ang pagsasagawa ng performance rewarding at development planning.

Ipinaliwanag ni Angara, nais lamang niyang maiwasan na madiskwalipika ang mga kawani, partikular na ang mga guro, sa mga insentibo at oportunidad na kaakibat ng performance review.

BASAHIN: 4 na oras na pagtuturò ng mga gurô ipinanukalà ni Gatchalian

BASAHIN: Angara tiniyák na may pondo ang ‘chalk allowance’ ng mga gurô

Dagdag pa niya, kinailangan ang pagpapaliban ang mga nabanggit upang maituon mg mga guro, maging ang mga nonteaching personnel, ang atensyon sa paghahanda sa muling pagbubukas ng mga klase para sa school year 2024-25.

“Ang reklamo ng mga teachers is nakakasabay siya [RPMS] sa bukasan ng pasukan. So, ang daming kailangang documentation, tapos sabay ‘yong Brigada Eskwela, sabay ‘yong opening of classes,” idiniin ni Angara.

Inanunsiyo din niya ang kanyang utos sa DepEd Executive Committee na bumuo ng task force na pag-aaralan ang pagpapatupad ng RPMS sa kanilang mga kawani sa mga paaralan.

Hindi kasama sa memorandum ang mga kawani na nasa DepEd Central Office, regional offices, at School Division offices.

TAGS: Department of Education, public school teachers, sonny angara, teachers performance ratings, Department of Education, public school teachers, sonny angara, teachers performance ratings

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.