METRO MANILA, Philippines — Inihatid na ng mga pulis nitong Lunes si dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping sa Pasig City Jail mula sa Philippine National Police (PNP) Custodial Center sa Camp Crame bilang pagtalima sa utos ng korte.
Nabatid na kasama pa ni Guo sa female dormitory ang 44 pang babaeng detenido at isa sa kanila ang babaeng kapwa ni Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) na akusado naman ng qualified human trafficking at sex abuse.
Ngunit pansamantala, ayon kay Jail Supt. Jayrex Bustinera, ang tagapagsalita ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), ay ihihiwalay muna sa selda si Guo matapos madiskubre sa checkup niya sa PNP General Hospital na mayroon siyang impeksyon sa baga.
BASAHIN: Pitong co-accused ni Alice Guo trafficking case sumuko sa NBI
Makakasama niya sa naturang selda ang tatlong babaeng detenido na nagpapagaling sa sakit na tuberculosis.
Nahaharap sa kasong qualified human trafficking si Guo sa Pasig City Regional Trial Court Branch 167.
Bukod pa sa ito sa kasong katiwalian na kinahaharap niya sa isang korte sa Valenzuela City.