Alice Guo iniutos ng isang korte na ilipat sa Pasig City Jail

PHOTO: Alice Guo at Senate hearing STORY: Alice Guo iniutos ng isang korte na ilipat sa Pasig City Jail
Humarap ulit sa Senate hearing ukol sa mga POGO si Alice Guo nitong Lunes, ika-9 ng Setyembre 2024. —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Philippines — Ililipat si dating Mayor Alice Guo ng Bamban, Tarlac, mula sa Phililppine National Pollice (PNP) Custodial Center sa Camp Crame papunta sa Pasig City Jail.

Ito ang utos nitong Biyernes ni Presiding Judge Annielyn Cabelis ng Pasis Regional Trial Court Branch 167.

Sa apat na pahinang utos, sinabi ni Cabelis na may sapat na dahilan para malitis si Guo sa kasong qualified human trafficking, isang kasong walang piyansa.

BASAHIN: Alice Guo ikinanta ang tao na nagpatakas sa kanya ng Pilipinas

Ang mga kapwa akusado ni Guo ay sina  Huang Zhiyang, Rachelle Joan Malonzo Carreon, Zhang Ruijin, Baoying Lin, Yu Zheng Can, Dennis Lacson Cunanan, Jamielyn Santos Cruz, Roderick Paul Bernardo Pujante, Juan Miguel Alpas, Merlie Joy Manalo Castro, Rita Sapnu Yturralde, Rowena Gonzales Evangelista, Thelma Barrogo Laranan, Maybelline Requiro Millo alias Shana Yiyi, at Walter Wong Long.

Ang Malaysian national na si Long ay kasalukuyang nakakulong sa Tarlac Provincial Jail dahil kabilang siya sa mga naaresto sa pagsalakay sa illegal POGO hub sa Bamban noong Marso.

Itinakda naman ang pagbabasa ng sakdal kina Guo at Long sa ika-27 ng Setyembre.

May kinahaharap na ring kaso ng katiwalian sa Guo sa Valenzuela City RTC Branch 95.

Read more...