41 na POGO handang lumayas ng Pilipinas – DOJ chief

PHOTO: Jesus Crispin Remulla STORY: 41 na POGO handang lumayas ng Pilipinas – DOJ chief
Justice Secretary Jesus Crispin Remulla —Larawan mula sa Facebook page ng Department of Justice

METRO MANILA, Philippines — Handa ang 41 na lisensiyadong Philippine offshore gaming operators (POGOs) na umalis ng Pilipinas dahil sa anunsiyo ng total POGO ban ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.,

Ibinahagi ito ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla nitong Huwebes kasabay ng pagbuo at unang pulong ng Task Force POGO Closure sa DOJ.

Aniya, miyembro ng task force ang Department of Labor and Employment (DOLE), Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Bureau of Immigration, at Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor).

BASAHIN: Masusunod ang POGO total ban na utos ni Marcos – Pagcor

Sinabi ni Remulla na, dahil sa total POGO ban na inanunsiyo ni Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo, wala nang makakapigil pa para gamitin nila ang mga kinauukulang batas.

Aniya, hindi naman maitatanggi na nalagay sa alanganin ang kaligtasan ng publiko maging ang pambansang seguridad nang maglipana ang POGOs sa bansa.

Sinabi nito na pagsapit ng ika-15 ng Oktubre dapat ay nakaalis na ng bansa ang lahat ng mga banyagang kawani ng POGOs dahil ituturing na tourist visa na lamang ang kanilang hawak.

Read more...