METRO MANILA, Philippines — Napikon si Sen. Cynthia Villar sa ilang ahensiya ng mga gobyerno dahil sa kakulangan o kawalan ng aksiyon kaugnay sa mga insidente ng oil spill sa Bataan.
Nagsimulang mag-init ang ulo ni Villar sa mistulang pagtuturuan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Maritime Industry Authority (Marina) sa mga kasong dapat isasampang kaso sa may-ari ng lumubog na MT Terranova sa Limay, Bataan.
Sa pagdinig nitong Martews environment and natural resources committee, na kanyang pinamumunuan, iginiit niya na dapat kumikilos din ang Department of Justice, Department of Environment and Natural Resources, at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagsasampa ng mga kaso sa mga kumpanyang may-ari ng mga barkong sanhi ng mga oil spill.
BASAHIN: Tanker lumubog sa Manila Bay sa Bataan, nagsanhi ng oil spill
Idiniin niya na dapat may panagutin dahil sa libo-libong kabuhayan ang naapektuhan ng mga insidente, kasama na pagsadsad ng MV Mirola Uno at paglubog ng MT Jason Bradley.
Hindi na rin itinago ni Villar ang teorya na ang tatlong sasakyang pandagat ay sangkot sa mga ilegal na aktibidad na isinasagawa sa laot at minalas sila sa masamang panahon.