Bangkay ng dalawang biktima ng summary execution, natagpuan sa Quezon City

police-line-0815Natagpuan ang dalawang katawan ng lalaki sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City, Sabado ng gabi.

Pinaniniwalaang biktima ang dalawang lalaki ng extrajudicial executions.

Ayon sa ulat, isa sa mga natagpuan katawan ay nakita sa EDSA malapit sa Philam Subdivision habang ang isa pa ay sa kahabaan ng Corregidor Street sa Bago Bantay.

Nakasulat sa katawan ng natagpuan sa Bago Bantay ang mga salitang “Wag tularan, salot sa EDSA”.

Samantala, nakakabit naman sa katawan ng natagpuan sa Philam Subdivision ang karatula na may nakasulat na “Salot ako, mandurukot”.

Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya upang mabatid kung biktima ang dalawa ng summary executions.

 

Read more...