Dallas police HQ, naka-lockdown dahil sa banta

Dallas policeIsinailalim sa lockdown ang Dallas police headquarters (araw ng Sabado roon) matapos makatanggap ng mga banta laban sa mga opisyal, dalawang araw matapos ang pagpatay ng isang gunman sa limang police officers sa Texas City.

Ayon sa Dallas police, nakatanggap ang Dallas Police Department ng anonymous threat kaya minabuting magsagawa ng precautionary measures.

Mayroon din umanong namataang lalaking naka-maskara sa parking garage sa likod ng headquarters, kaya itinaas sa heightened alert ang mga pulis.

Nakadeploy na ang mga SWAT officer sa main building ng Dallas police headquarters.

Nagsagawa na rin ng search operations sa parking lot kung saan nakita ang lalaking nakamaskara.

Matatandaang umatake ang lone shooter na si Micah Xavier Johnson, 25 years old at military veteran na nagsilbi si Afghanistan, na ikinasawi ng limang officers.

Nasawi rin ang attacker, habang nakumpiska sa kanya ang bomb-making materials, ballistic vests, rifles, ammunition at personal journal ukol sa combat tactics.

Read more...