Bawas-presyo sa mga produktong petrolyo bukas, Setyembre 17

PHOTO: Fuel pumps STORY: Bawas-presyo sa mga produktong petrolyo bukas, Setyembre 17
INQUIRER.net FILE PHOTO

METRO MANILA, Philippines — Magpapatuloy bukas ng Martes, ika-17 ng Setyembre, ang pagbaba ng presyo ng mga produktong-petrolyo.

Sa magkakahiwalay na anunsiyo ng mga kumpanya langis, P1 ang mababawas sa halaga ng kada litro ng gasolina, samantalang P1.3o naman sa bawat litro ng krudo.

Ang halaga ng kada litro ng kerosene ay P1.65 ang mababawas.

BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito

Ang paggalaw sa presyo ng mga produktong-petrolyo ay bunga ng paghina ng pangangailangan sa langis at sobrang produksyon nito.

Noong nakaraang ika-10 ng Setyembre, nabawasan na ang presyo ng gasolina ng P1.55, P1.30 sa krudo, at P1.40 sa gaas.

Read more...