International syndicate sa likod ng POGOs inaalam kay Alice Guo

PHOTO: Alice Guo at Senate hearing STORY: International syndicate sa likod ng POGOs inaalam kay Alice Guo
Humarap ulit sa Senate hearing ukol sa mga POGO si Alice Guo nitong Lunes, ika-9 ng Setyembre 2024. —Kuha ni Jan Escosio | Radyo Inquirer

METRO MANILA, Phililippines — Pabor si Sen. JV Ejercito na pagbigyan ang hiling ng kampo ni dating Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping na executive session ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality.

Ito ay kung, ayon sa senador, ang magiging daan para isiwalat na ni Guo kung anong international syndicate ang nasa likod ng illegal Philippine offshore gaming operators (POGOs).

Partikular na interesado si Ejercito na matukoy ang mga nasa likod ng pagpasok sa pulitika ni Guo, na nahalal na alkalde ng Bamban, Tarlac noong eleksyon noong 2022.

BASAHIN: Banta kay Alice Guo galing POGOs, Chinese mafia, spy – lawyer

Nangangamba ang senador na napasok na ng mga banyaga ang sistemang pulitikal ng Pilipinas sa pamamagitan ng mga espiya.

Idiniin  pa ni Ejercito na kailangan itong mabusisi ng husto dahil nakataya ang pambansang seguridad.

Dagdag pa nito na dapat na pag-aralan din ng mabuti ang sinasabing pagkunsidera kay Guo na “state witness” dahil aniya ito ay nakadepende sa isisiwalat niya.

Read more...