Burahin illegal POGOs para matupad ang total ban – Gatchalian
METRO MANILA, Philippines — Dapat ay tiyakin ng gobyerno na 100 porsiyentong mawawalis ang illegal Philippine offshore gaming operators (POGOs) sa bansa para matupad ang total ban na iniutos ni Pangulong Ferdinand Marcos sa kanyang State of the Nation Address noong Hulyo.
Ito ang pinagdiinan ni Sen. Sherwin Gatchalian sa kanyang pahayag nitong Biyernes.
“Kahit na ipatigil natin ang mga lisensiyadong POGO pero hindi naman natin nahahabol ang mga ilegal, mananatili pa rin ang operasyon ng POGO sa bansa. Hindi magiging epektibo ang pagsasara kung magpapatuloy pa rin ang mga scam na ginagawa nila,” sabi ni Gatchalian.
BASAHIN: Pagcor hindí tutol sa POGO ban, pero 250,000 trabaho mawawalâ
Binanggit ni Gatchalian na, base sa impormasyon mula sa Presidential Anti-Organized Crimes Commission (PAOCC), may 200 aktibong illegal POGO operations sa bansa sa kasalukuyan.
Sinabi pa nito na dapat din kilatisin ang mga Internet Gaming Licensees (IGLs) na may permiso mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) dahil aniya ito ay bagong mukha lamang ng POGO.
Ipinag-utos ni Marcos sa kanyang huling SONA ang total POGO ban simula sa 2025.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.