Pagcor hindí tutol sa POGO ban, pero 250,000 trabaho mawawalâ
METRO MANILA, Philippines — Hindí tututulan ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (Pagcor) kung susunód ang gobyerno sa mga panawagan na ipagbawal na ang Philippine offshore gaming operator (POGO) hubs.
Sinabi itó ni Pagcor Chairman Alejandro Tengco nitóng Miyerkulés sa pagdiníg ng Senate Committee on Women and Children at aniya susunód lamang siyá sa magiging kautusán ng Malacañang.
Ibinahagì din ni Tengco na sa pagpapatigil sa operasyón ng mga POGO tinatayáng 250,000 ang mawawalán ng trabaho at kabuhayan.
BASAHIN: llantád ex-Cabinet member sa likód ng illegal POGOs – Escudero
BASAHIN: Ilegál na mga POGO may koneksyón ba sa isá pang scandal?
Kabilang sa kanilá ang mga driver, security guard, messenger, at ang mga nagta-trabaho sa mga establisimento na ang mga pangunahing kustomér ay mga manggagawâ sa mga POGO.
Aabót namán sa P23 na bilyon ang mawawaláng kita ng gobyerno mulâ sa mga buwís na ibinabayad ng mga POGO.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.