METRO MANILA, Philippines — Sa pagdiriwang ngayon araw ng Biyerens ng kanyang kaarawan, inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na libre ang lahat ng serbisyo sa lahat ng level 3 public hospitals sa bansa.
Inanunsiyo ito ng Department of Health (DOH) base sa utos ni Marcos.
Ang mga gastusin ay magmumula din sa pangulo na ipagdiriwang ngayon araw ang kanyang ika-67 kaarawan.
BASAHIN: PhilHealth may P500B para sa benepisyo ng mga miyembro – Recto
Sakop ng utos ang lahat ng inpatient, outpatient, at emergency medical services.
Kasama sa libre ang hospital bill ang mga gamot, laboratory and diagnostic procedures, dental services, therapy and rehabilitative services, chemotherapy, at dialysis.
Ang tulong ay idadaan sa Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients program ng DOH.